Comelec nanindigan na walang bahid ng impluwensya ang mga desisyon kaugnay sa mga kasong isinasampa laban sa mga kumakandidato

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 1317

ANDRES-BAUTISTA
Muling sumugod sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections ang mga taga suporta ni Senator Grace Poe bilang protesta sa desisyon ng Comelec 2nd Division na i-diskwalipika si Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Nanindigan naman ang poll body na walang halong impluwensya ang desisyon ng mga miyembro ng Comelec.

Iginiit din ng Comelec na may hurisdiksyon ang komisyon sa mga reklamo sa kwalipikasyon ng mga kumakandidato.

“Ang jurisdiction ng Presidential Electoral Tribunal sa election returns and qualification of a president only comes into play pagkatapos ng halalan at pagkatapos ng proclamation. Yan ang nakasaad sa ating saligang batas. So bago magkahalalan ang isyu na election at qualifications ng isang kandidato ay nasa Comelec.”
Pahayag ni Comelec Chairman Andres Bautista

Nakatakda namang maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Poe kaugnay ng desisyon ng 2nd Division, upang iakyat na sa Comelec en Banc ang kaso.

Subalit pinag aaralan ng abugado ng mambabatas kung hihilingin nilang mag inhibit ang mga Commissioner na miyembro ng 2nd Division na pumabor sa pagdiskwalipika ang senador.

“Im trying to determine kung mayroon bang constitutional violation kapag ba nagparticipate nasa division ng Comelec ay dapat pa rin bang magparticipate sa Comele en Banc kasi sa aking palagay parang hindi tama yung Comelec Commissioners na nagparticipate sa division ay biglang magpaparticipate pa rin sa En banc you cannot review your own work.” Pahayag ni Atty. George Garcia, abugadoni Sen. Poe

Kaugnay naman ng tatlong disqualification case laban kay Poe na nakabinbin sa Comelec 1st Division, nakapaghain na ng memorandum ang mga partido at ngayon ay submitted for resolution na ang kaso.

Hinamon ng isa sa mga petitioner si Poe na patunayan ng senadora ang kaniyang pahayag na ang mga kalaban niya sa pulitika ang nasa likod ng pagpapadiskwalipika sa kanya.

Kumpyansa ang kampo ni Poe na malulusutan ng senadora ang mga reklamong nakahain sa Comelec. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , , ,