Comelec, nanindigan na hindi labag sa batas ang planong mall voting

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2967

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Nanindigan ang Commission on Elections na hindi labag sa batas planong mall voting o pagsasagawa ng botohan sa mall sa darating na 2016 elections.

Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, constitutional responsibility ng Comelec ang pumili ng lugar at numero ng mga presintong gagamitin sa halalan.

“Sa omnibus election code nakalagay naman that a polling place is a building or a place at hindi naman sinasabi na talagang lahat dapat public. The designation of polling places has to be something that has to be dynamic and not static. Kumbaga dapat tinitignan din ng komisyon kung ano ba talaga ang mga tamang na gagamitin para nga mapabuti ang paraan ng pagboto.” pahayag ni Bautista

Sinabi pa ni Bautista na sa ilalim ng Republic Act 9369 o ang Automated Election Law hindi naman direktang tinutukoy na ang gagamiting lugar para sa halalan ay dapat na pag aari ng gobierno.

Para sa Comelec Chairman, ang main election law ng bansa o ang batas pambansa bilang 881 ay luma nang batas at ang mga bumalangkas nito ay manual voting pa ang pinagbasehan.

Sa ngayon ay iba na ang sistema ng halalan at mas malaki narin ang bilang ng mga botante.

Ayon kay Bautista noong 2013 elections hindi lahat ng ginamit na presinto ay nasa mga pampublikong paaralan.

Katunayan sa halos pitumpu’t walong libong clustered precincts noong nakaraang national elections, mahigit isang libo dito ay pribadong establisyemento naang mahigit isang daan ay nirentahan at binayaran ng gobierno ng 1.5 million pesos.

Sa mall voting wala aniyang babayarang renta ang Comelec.

Paliwanag ng Chairman ng Comelec layon ng mall voting na mas maging komportable ang halalan upang mas marami ang makaboto.

Sa 2016 elections, sa tinatayang 54.5 million registered voters, nasa 2 milyong botante lamanganginaasahang makakaboto sa mga mall dahil nasa halos tatlong libong clustered precincts lamang ang ilalagay sa mga malls.

Ngunit para sa isa sa mga kritiko ng Comelec, labag sa batas ang mall voting.

Ayon kay Attorney Glen Chong, kung ipipilit ng Comelec ang mall voting kailangang pagbawalan ang mga gwardiya ng mall na magdalang baril, 100 meter radius ang layo sa polling center.

Wala din dapat na tindahang nakabukas sa loob ng 30 meter- radius ng voting center.

Dapat ding ilabasang identity ng mga mall owner pati ang share holders dahil bawal sa batas ang paggamit ng pribadong establisymento na pag aari ng kamag anak ng mga pulitiko. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , , ,