Comelec naghain ng motion for reconsideration kaugnay sa disqualification case ni Sen. Poe

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 1603

COMELEC-FACADE-2
Naghain ng motion for reconsideration ang Commission on Elections sa Supreme Court upang hilingin na baliktarin ng Korte ang unang desisyon nito na pinapayagang tumakbong Pangulo si Senator Grace Poe sa kabila ng pagdiskwalipika sa kaniya ng Comelec.

Katwiran ng komisyon, hindi naabot ng Supreme Court en Banc ang majority decision sa kaso ni Poe, na dapat ay walo o higit pang boto.

Pitong mahistrado lang ang nagsabing presumptively ay natural born filipino si Poe habang lima ang tumutol at tatlo ang hindi bumoto.

Ayon kay Commissioner Christian Lim batay sa Section 2 Rule 12 ng internal rules ng Supreme Court kung walang majority vote dapat magkaroon ng re-deliberation at re-voting.

(UNTV NEWS)

Tags: ,