Comelec Chairman Andres Baustista, bukas sa anomang uri ng imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y tago niyang yaman

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 1545

Nanindigan si Commission on Elections Chairman Andres Bautista na wala siyang itinatagong yaman na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

Taliwas ito sa akusasyon ng kanyang  asawa na si Patricia Paz sa mayroon umano siyang condominium unit sa San Francisco at bank accounts na naglalaman ng malaking halaga.

Ayon kay Chairman Bautista, ang lahat ng kanyang ari-arian ay nasaad sa isinumite niyang 2016 statement of assets, liabilities and net worth. Iginiit rin ng poll chief na problema sa pera na nahaluan na umano ng pamumulitika ang nakikita niyang dahilan ng mga paratang ng kanyang asawa.

Handa rin aniya siyang bumaba sa pwesto kung magiging hadlang ang isyung ito sa kanyang trabaho. Nagkausap na rin aniya sila ni Pangulong Duterte at pinayuhan sila tungkol sa kanilang problemang mag-asawa.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi kukunsitinhin ng administrasyong Duterte ang anumang uri ng kurapsyon.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,