Bustos dam nagpakawala na ng tubig simula kagabi

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 3636

NESTOR_ANGAT-DAM
Sinimulan kagabi ng pamunuan ng Bustos dam ang pagpapakawala ng tubig dito.

Ito ay matapos na umapaw ang tubig dahil sa malapit na sa spilling level na 17.70 meters ang antas ng tubig sa dam.

Sanhi ito ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa Central Luzon dahil sa bagyong Nona.

Pasado ala sais kagabi ng unang magpakawala ng tubig ang Bustos dam ng 50 cms, binuksan ang radial gate 1 at b, samantalang umaapaw naman ang tubig sa anim pang rubber gate.

Sa pinaka huling tala ng PDRRMC alas otso ng gabi umabot na 17.47 meters ang water level nito, malapit sa spiling level nito na 17.70 meters.

Samantala, malapit na rin sa spilling level na 212 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Nasa 211.50 meters na ito as of 3:00 pm kahapon.

Mabilis ang naging pagtaas ng tubig sa dam dahil sa mga pag ulang dala ng bagyong Nona.

Sa pagitan ng alas sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon kahapon ay halos apat na metro ang nadagdag sa antas ng tubig sa Angat.

Dahil dito magpapakawala ng nasa 100 cubic meters per second na tubig sa Angat dam simulang mamayang alas otso ng umaga ayon sa National Power Corporation.

Tiniyak naman ng NAPOCOR na unti-unti lang ang kanilang gagawing pagpapakawala ng tubig upang hindi maging sanhi ng pagbaha.

Ngunit nagpaalala pa sa mga residente sa dadaanan ng angat river na magsagawa ng kaukulang paghahanda.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,