Bilang ng mga Pilipinong obese, dumadami batay sa isang pag-aaral

by Erika Endraca | July 11, 2019 (Thursday) | 10229

MANILA, Philippines – Dumarami ang bilang ng mga pilipinong obese o sobrang mataba batay sa isang pag-aaral. 

Batay sa ulat ng Food and Nutirion Research Institute ng Department Of Science and Techology (FNRI-DOST), 61.3 kilograms  ang katamtamang timbang ng isang pinoy at 54.3 kilograms naman sa isang pinay.

Pero habang lumilipas ang panahon, parami nang parami ang mga pilipinong tumataba ayon din sa pag-aaral. Noong 2017, mahigit labing  8-milyong pilipino na ang obese at overweight at posible itong maragdagan taon-taon.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga pilipino na ang itinuturing na staple food na kanin ay mataas sa sugar.

Paalala lagi  ng Department of Health (DOH) sa publiko, huwag balewalain at kainin ang mga prutas at gulay na sagana sa Pilipinas.

Sa ganoong paraan din, ma-aagapan ang paglobo ng mga namamatay sa obesity sa buong mundo, 2.8 million taon-taon ayon sa World Health Organization (WHO).

Lumalabas na ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagtaba ay ang lifestyle madalas nakaupo at kaunting kilo lang ang ginagawa.

Pangkaraniwan ito sa mga nagtatrabaho sa opisina at call centers. Ayon pa sa who, mas maraming adults na may partners ang mas madalas tumaba kaysa sa mga single.

Nguni’t kung tatanungin ang mga kababayan na may gulang na, sakit ang kanilang kinatatakutan. Samantala palagi umanong tandaan sa buhay na health is wealth, aanhin ang masasarap na pagkain at marangyang buhay kung ang kapalit ay sakit na nakamamatay.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,