Batang Guatemalan migrant, patay sa kustodiya ng US border patrol

by Jeck Deocampo | December 17, 2018 (Monday) | 19513
REUTERS/Jose Luis Gonzalez

EL PASO, Texas – Isang matinding kontrobersiya na naman ang bumabalot sa migrant policy ni United States President Donald Trump dahil sa pagkasawi ng 7-year old Guatemalan migrant girl na nasa kustodiya ng US border patrol sa Mexico.

Pumanaw ang batang babae na kinilalang si Jakelin Caal  noong December 8. Ayon sa ilang US official, nakaranas umano ang bata ng cardiac arrest, brain swelling at liver failure.

 

Nasawi ito sa El Paso, Texas dalawang araw matapos na i-detain ito at ang kanyang ama ng US border patrol sa isang remote part ng New Mexico. Ayon sa ama ng bata, wala umanong pre-existing medical condition si Jakelin.

 

Dahil dito, nananawagan ng masusing imbestigasyon ang ilang immigrant rights groups sa nangyari. Ayon sa Office of the Inspector General, magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon patungkol sa misconduct accusation laban sa mga public employee.  Tiniyak nito na isasapubliko ang resulta ng kanilang inquiry kapag natapos na ito.

 

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang immigrant rights group na Annunciation House Refuge for Migrants sa Guatemalan Consulate upang i-repatriate ang labi ni Jakelin pabalik sa kaniyang bansa.

 

Isa ang pamilya ni Jakelin sa mga pinakamahirap na mamamayan sa kanilang lugar. Pangarap umano ng nasawing bata na makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya na naiwan sa Guatemala, kabilang ang kanyang ina at tatong kapatid.

 

(Marie Peñaranda / UNTV News – USA)

Tags: , , , , , ,