MANILA, Philippines – Nananatling isa ang trangkaso sa mga banta sa kalusugan ng tao sa buong mundo batay sa ulat ng World Health Organization (WHO).
Hindi gaya ng simpleng ubo at sipon, ang trangkaso ay may kasamang pananakit ng katawan at lagnat na tumatagal ng ilang araw
Ayon naman sa Department of Health (DOH), taon- taon bago rin ang strain ng flu virus na tumatama sa mga pilipino kaya’t kailangan na may ma-develop na bagong bakuna.
Kailangan din na taon- taon magpabakuna kontra trangkaso upang hindi madapuan ng naturang sakit
“Nag- uumpisa ito sa ibang parte ng mundo tapos iikot siya. Kaya usually kapag january o february, nade- detect na kung ano iyong virus na iikot for the year”ani Doh Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.
Ayon sa doh, nagsisimula ang flu season ng Setyembe at tumatagal hanggang Pebrero. Available na aniya nitong buwan ng hunyo ang mga flu vaccine sa mga health center.
“Kailangan mabakunahan, pabakunahan pa habang maaga para protektado sila lalo na kapag time na madami nang flu” ani Doh Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.
Bago man ang flu strain ngayong 2019, pero ayon sa kagawaran, mas malala pa rin aniya ang flu virus na umiral noong 2017.
Wala pa aniyang ulat na ang iiral na flu virus ngayong taon ay may mataas na mortality at complication rate. Nguni’t babala ng doh, nagiging banta sa kalusugan ang trangkaso kapag napabayaan dahil ma-aari itong mauwi sa iba’t ibang komplikasyon.
Samantala prayoridad na mabigyan ng doh ng flu vaccine ang mga bata at matatanda. Payo ng doh sa mga magulang, kompletuhin ang flu vaccine ng mga anak.
May libreng bakuna naman sa trangkaso para sa mga senior citizen sa mga doh hospitals at barangay health stations.
“Ang #1 pa rin natin kasi kung may magkakaroon ng complication sa flu iyong mayroong mahihina ang katawan, meaning iyong mga batang- bata at tiyaa iyong matatanda” ani Doh Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.
(Aiko Miguel | Untv News)
Tags: Department of Health, flu season, vaccine, World Health Organization