Apat na bagong koponan sasabak na sa linggo sa 1st round eliminations ng UNTV Cup Season 6

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 1659

Masusubukan na ang tikas ng apat na bagong koponan sa liga ng mga public servant. Sa Linggo sasabak na sa hardcourt ang Department of Agriculture Food Masters kontra Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Drug Busters sa 1st game ng triple header ng UNTV Cup Season 6 first round eliminations sa Pasig City Sports Center.

Pangungunahan ang Food Masters ng kanilang head coach na si Zaldy Realubit at assistant coach Rodney Santos na kapwa dating professional basketball player. Tatapatan naman ito ni PDEA head coach Benjamin da Jose at assistant coach Felix Armando.

Sa second game, bakbakan naman ng Bigmen ng dalawang baguhang team ang matutunghayan. Ibabandera ng Commission on Audit Enablers ang twin tower nila na mga dating professional basketball player.

Ang 6’4” na si Ernesto “Estong” Ballesteros at ang 6’5” na si Arnold Gamboa. Babanggain naman ito ng tatlong tore ng DOH Health Achievers.

Ang 6’4” Admin Aide III na si Reynaldu Dabu, 6’4” nursing attendant Rommel Pingol at ang Admin Officer V na si Leonardo Nidoy. Ang PBA legend na si Freddie Hubalde ang magtitimon sa COA, habang si Joshua Villapando naman sa DOH.

Sa main game, exciting ball game ang inaasahan sa pagitan ng NHA builders at Malacañan – PSC Kamao , alas singko y medya ng hapon. Ayon sa NHA, halos apat na buwan na silang ang eensayo para sa Torneo. Dalawang bagong bigman din ang nadagdag sa kanilang pwersa.

Samantala, hindi naman pahuhuli ang Malacanan-PSC. Agosto palang anila ay nag-eensayo na nag kanilang bagong koponan.

Samantala , mapapanuod naman ang delayed telecast ng opening game ng  defending champion PNP Responders sa mas pinalakas na BFP Firefighters sa UNTV sa Linggo alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng hapon.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,