Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalagay ng voting precincts sa 86 malls sa buong bansa sa pagsasagawa ng eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, tinatayang aabot sa 200,000 botante ang maaaring makakaboto sa mga itatalagang 121 clustered precincts sa halalan.
Pinag-aralan umano itong mabuti ng poll body at matapos ang ilang konsultasyon kasama ang mga political parties, stakeholders at guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) ay nagdesisyon silang ituloy ito.
Partikular na makikinabang sa mall voting ang mga persons with disabilities (PWDs) at mga senior citizens kung saan bibigyan ang mga ito ng prayoridad para makaboto.
(UNTV NEWS)