59 patay sa bagyong ‘Ompong’ – PNP

by Jeck Deocampo | September 17, 2018 (Monday) | 29887

LUZON, Philippines – Umabot na sa 59 ang kabuoang namatay sa paghagupit ni bagyong ‘Ompong’ (Mangkhut) sa ilang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa Philippine National Police, 49 ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 7 sa Cagayan, 1 sa Ilocos Region, 1 sa Central Luzon at 1 sa Metro Manila.

47 naman ang sugatan habang 16 pa ang nawawala at labing tatlo rito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, isang malaking landslide naman ang naganap sa Barangay Loacan sa Itogon, Benguet na nakapinsala sa 4 na minahan, kung saan halos 26 ang namatay at 8 pa ang nawawala.

Umabot sa halos 250,036 na indibidwal ang apektado sa Luzon ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Ulat ni Reynante Ponte/UNTV News

Tags: , , , , ,