Isang libo at pitong daang delegado ang inaasahang darating sa bansa para sa pitong araw na 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting na magsisimula ngayong araw.
Kasama rito ang dalawampu’t pitong foreign ministers ng labing isang bansang kabilang sa ASEAN at dialogue partners nito.
Ayon kay NCRPO Police Director Oscar Albayalde, nasa 13 libong uniformed personnel at higit isang libong tauhan ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang idineploy sa Paranaque, Pasay at Makati City.
Ito ay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lugar habang isinasagawa ang international event. Wala namang namomonitor na seryosong banta sa seguridad ang pulisya sa ASEAN.
Subalit nakabantay ang PNP Intelligence Operatives sa ilang miyembro umano ng Alex Boncayao Brigade na nagbalik-Islam.
Inaasahan namang makikibahagi si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: 50th ASEAN, duterte, Foreign Ministers