50 bags ng dugo, nai-donate sa Philippine Blood Center ng MCGI Central Cavite Chapter

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 8850

Nasa isang milyon blood bags reserve ang target makolekta ng Department of Health taon-taon. Kailangan ito upang magkaroon ng sapat na pondo ng dugo para sa mass casualty incidents tulad ng lindol.

At upang makatulong sa kagawaran at makagawa ng mabuti sa kapwa taong nangangailangan ng dugo, muling nagsagawa ng quarterly mass bloodletting event ang Members Church of God, Central Cavite Chapter. Sakop nito ang mga bayan ng Imus at Dasmariñas. Sa kabuoan, limampung bags ng dugo ang na-idonate ng MCGI sa Philippine Blood Center.

Ayon sa grupo, maraming mga myembro ang nais na maging bahagi ng bloodletting, ngunit hindi nakakapasa ang ilan sa mga ito sa requirement upang makapagbigay ng dugo.

Kaya naman paalala ng PBC, dapat ay maghanda ng mabuti kung nais magdodonate ng dugo. Dapat ay hindi bababa sa limampung kilo ang timbang, hindi dapat puyat, walang ubo, sipon o anumang sakit at dapat ay hindi pa nakakapag-donate ng dugo sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,