4.3M botante hindi pa nakapagpa biometrics

by Radyo La Verdad | June 9, 2015 (Tuesday) | 1224

BIOMETRICS
Nanganganib na hindi makaboto sa darating na 2016 Presidential Elections ang mahigit 4 na milyong botante dahil sa kabiguan nitong magpa validate at mairehistro ang kanilang biometrics sa Poll body.

Sa pinakahuling tala ng Commission on Elections, 4.3 million voters pa ang hindi nakapagpa biometrics.

Nasa top 3 list ang Metro Manila, Region 3 at Region 4A sa mga rehiyon na may mataas na bilang ng mga botanteng hindi pa nakapag pakuha ng kanilang biometrics.

Plano sa ngayon ng Poll body na dagdagan at magpakalat ng mas maraming makina upang mas maraming tao ang kanilang ma proseso sa isang araw.

Apela ng komisyon sa publiko, ngayong kakaunti pa lamang ang mga taong nagtutungo sa mga tanggapan ng Comelec samantalahin na ang pagkakataon upang makapag pa biometrics.

15 minuto lamang ang itinatagal ng proseso mula sa pag fill up ng form hanggang sa mairecord sa computer ang picture, fingerprint at pirma. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: