METRO MANILA – Mahigit 4 na milyong minimum wage earners ang nagbenepisyo sa salary adjustments sa 15 rehiyon sa bansa noong 2023.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nasa 15 wage orders ang iniisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB).
Ang RTWPB-NCR ang unang nag-isyu ng wage hike order kung saan P40 ang nadagdag sa sahod ng mga minimum wage earner sa pribadong sektor.
Habang ang Northern Mindanao Wage Board naman ang pinakahuling nag-issue ng dagdag sahod noong December 21.
Samantala, ang Davao Region Wage Board na lang ang hindi pa nagi-isyu ng bagong wage order.
Dagdag naman ng NWPC, inaasahang nasa 8.1-M mga full-time wage at salary workers na kumikita ng higit sa minimum wage ang makikinabang sa correction of wage distortions.