P1,000 dagdag sa sahod ng mga kasambahay sa NCR, aprubado na

by Radyo La Verdad | June 23, 2022 (Thursday) | 345

METRO MANILA – Aprubado na ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity board (NCR-TWPB), ang P1,000 umento sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Ibig sabihin nito ang dating P5,000 buwanang sweldo ng mga kasambahay, ay magiging P6,000 na.

Pero bago ipatupad, isasailalim muna ito sa pagsusuri ng National Wages and Productivity Commission, (NWPC).

Kapag naaprubahan ng NWPC, ilalathala ang umento sa sahod at magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw.

Nasa 200,000 mga kasambahay sa NCR ang tinatayang makikinabang sa umento sa sahod.

Tags: ,