Nagdeklara ng tatlong buwang state of emergency ang Turkey matapos ang nabigong military coup.
Ipinahayag ito ni Turkish President Recepp Tayyip Erdogan matapos ang kaniyang pakikipagpulong sa National Security Council at Council of Ministers.
Sinabi ni Erdogan na layunin ng pagpapalawig sa state of emergency na maaresto ang iba pang sangkot sa kudeta at tuluyang maalis na ang banta sa demokrasya ng bansa.
Umaabot na sa limapung libo ang naaresto ng gobyerno ni Erdogan na sangkot sa nabigong kudeta at nasa 239 naman ang iniulat na nasawi.