Mga rescuer na ipinadala sa Türkiye, nasa maayos na kondisyon

by Radyo La Verdad | February 14, 2023 (Tuesday) | 6202

METRO MANILA – Nasa maayos na kondisyon ang Philippine Contingent na tumutulong sa search and rescue operation sa Turkey sa kabila ng malamig na panahon.

Tuloy-tuloy ang ginagawa nilang operasyon  sa probinsiya ng Adiyaman, kung saan sila naka-assign.

Sinabi rin ni Dr. Alfonso Danac,  ang team leader ng  Philippine Emergency and medical assistance team  na nakatutulong din sila sa mga mayroong iniindang sakit  sa lugar.

H-indi na nagrequest ng karagdagang tulong ang Turkey para sa rescue efforts kasunod ng malakas na lindol noong isang linggo.

Dahil dito hindi na magpapadala ang Pilipinas ng second batch na tutulong, kahit na marami ang nagpahayag ng intensyon para makibahagi.

Tags: ,