2 patay sa pamamaril sa University of California, Los Angeles

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 1939
Pamamaril sa University of California, Los Angeles(REUTERS)
Pamamaril sa University of California, Los Angeles(REUTERS)

Kasalukuyang naka-lockdown ang University of California, Los Angeles o UCLA matapos na dalawang estudyante ang masawi sa shooting incident sa loob ng engineering building sa paaralan.

Ayon sa mga otoridad parehong lalaki ang biktima.

Naganap ang insidente pasado alas diyes ng umaga kanina oras sa Los Angeles, kung saan maraming mga estudyante ang nasa loob ng kanilang mga classroom.

Agad namang inactivate ng paaralan ang kanilang bruin alert notification system upang maabisuhan ang mga estudyante tungkol sa insidente at pinayuhan ang mga ito na lumayo sa lugar.

Sa ngayon ay na-clear na ng mga pulis ang lugar at sinabing wala ng outstanding threat.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng UCLA Police, posibleng murder suicide ang nangyari batay sa isang hinihinalang suicide note na natagpuan sa

Ang UCLA ay isa sa mga well-regarded schools sa University of California System na kilala sa sports program nito.

(Aloy Calingasan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,