Super Blue Blood Moon, inabangan rin sa iba’t-ibang bahagi ng mundo

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 6751

Hindi inalinta ng mga residente sa Los Angeles, California ang puyat, lamig at naghintay ng hanggang alas tres ng madaling araw masilayan lamang ang Super Blue Blood Moon o tinatawag ng National Space Administration o NASA na lunar trifecta.

Big deal ang astronomical event na ito para sa mga taga North America dahil after 152 years ay ngayon lamang ito muling nasaksihan dito sa Western Hemisphere.

Hindi tulad sa ilang bansa sa Asya gaya ng Pilipinas na kung saan huling nasilayan ang Super Blue Blood Moon 36 years ago, noong 1982.

Ang pamosong Griffith Observatory na karaniwang dinarayo ng mga turista upang makita ang higanteng Hollywood sign ay muling dinagsa ang mga tao upang masaksihan naman ang pamihirang phenomenon na ito.

Sa Australia naman, nasa syam na pung libong mga expectator ang dumayo sa isang free total lunar eclipse viewing na inorganisa ng Gravity Discovery Centre sa Stirling’s Hertha Reserve.

Ayon sa Bureau of Meteorology ng bansa, may pinakamagandang view ng Super Blue Blood Moon ang Eastern Suburbs ng Melbourne.

Samantala, inabangan din ng mga Chinese ang tatlong bahagi ng transformation ng buwan kagabi gayundin ng mga taga Middle East.

 

( Sonny Cos / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,