Super blue blood moon, masasaksihan sa Jan. 31

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 8751

Isang espesyal at pambihirang buwan ang ating makikita sa Jan. 31 dahil sa tatlong lunar events. Ang buwan na makikita sa gabing ito ay isang ‘supermoon’ kung saan ang full moon ay nasa closest point sa mundo.

Kasabay nito ay masasaksihan din natin ang blue moon o ang ikalawang full moon sa loob ng isang buwan at “blood moon” din o isang full moon sa isang total lunar eclipse. Ang blood moon ay makikita natin mula 8:51 pm hanggang 10:07 pm. Huling nasaksihan ang total lunar eclipse sa bansa tatlumpu’t anim na taon na ang nakakalipas.

Ayon sa PAGASA, mas mapulang buwan ang makikita ng mga residente sa bahagi ng Albay. Nilinaw naman ng PAGASA na walang inaasahang epekto sa pagputok ng Bulkang Mayon ang phenomenon na ito. Ang super blue blood moon ay ligtas tingnan kahit walang protective filters.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,