2 patay, 2 sugatan sa kaso ng umano’y mistaken identity sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 2847

Patay ang isang lalaki at babae matapos paputukan ng mga pulis ang isang SUV na maghahatid sana sa sugatang biktima ng pamamaril sa ospital sa Mandaluyong City.

Sa cellphone video na ipi-nost sa fb ng isang Willie Tiongson, makikita na nakahinto ang SUV sa kanto ng barangay Wack Wack, Mandaluyong City na pinagbabaril ng mga pulis. Mapapansin din na nakadapa na sa labas ang tatlong sakay ng SUV habang chinecheck ng mga pulis ang sasakyan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napagkamalan umano ng mga pulis na kriminal ang mga biktima at pinaputukan ito ng rumispondeng PNP personnel at mga kawani ng barangay sa lungsod.

Dahil dito, imbes na madala pa sa pagamutan ang biktima ay binawian ito ng buhay kasama ang isa nitong kasamahan sa loob ng sasakyan habang sugatan ang iba pa nilang kasamahan. Namatay sa pamamaril si Jomar Jayaon habang sugatan naman sina Danilo Santiago at isang Eliseo.

Ayon kay Mandaluyong Chief of Police Senior Superintendent Moises Villacerin bago ito nagkaroon muna ng insidente ng pamamaril sa Freedom Park na sakop ng barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Tinamaan umano rito ang ulo ni Jonalyn Ambaon na asawa ng isang construction foreman sa lugar.

Nagmagandang loob naman ang mga kasamahan nito sa trabaho at isinakay sa kanilang sasakyan si Ambaon para isugod sana sa ospital.

Nasa kustodiya na ng Mandaluyong police ang tatlong iba pang sakay ng SUV, ang mga pulis na sangkot sa insidente, at dalawang kawani ng barangay para isailalim sa imbestigasyon.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,