Pangulong Aquino, iinspeksiyunin ang konstruksyon ng paliparan sa Bohol ngayong araw; pangungunahan din ng Pangulo ang Switch-On Ceremony sa mahigit dalawang libong sitio sa Region 7

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 3612

JERICO_PNOY
Pangungunahan ng Pangulong Aquino ang time capsule-laying sa bagong Bohol Airport Construction at Sustainable Environment Protection Project o ang Panglao Airport sa Barangay Lourdes Panglao Bohol ngayong hapon.

Base sa schedule, nakatakdang dumating sa Tagbilaran airport sa Bohol ang Pangulo dakong ala-una bente singko ng hapon at saka ito magtutungo sa Panglao Airport Construction site.

Pagkatapos nito, pangungunahan din ng Pangulo ang Switch-On Ceremony para sa pagpapailaw ng mahigit sa dalawang libo at limang daan na sitio sa Region 7 sa ilalim ng Sitio Electrification Program ng administrasyong Aquino.

Makakasama ng Pangulo sina DOTC Secretary Jun Abaya at Energy Secretary Zenaida Monsada at ilang lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.

Samantala, nakatakda ring dumalo si Pangulong Aquino sa event ng pambato ng Liberal Party sa Bohol Cultural Center, Carlos P. Garcia Avenue sa Tagbilaran, Bohol mamayang alas tres y’ media ng hapon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , , ,