Supt. Nobleza, mahigit isang linggong hindi nagpakita sa trabaho bago ito maaresto sa Bohol – RCLO II

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 2346


Pebrero bente otso ngayong taon ng madestino sa PNP Crime Laboratory Office 11 si PSupt. Maria Cristina Nobleza.

Si Nobleza ang pulis Davao na kasintahan ng isang Abu Sayyaf member.

Naging assistant head si Nobleza ni PSupt. Georby Manuel na officer in-charge sa PNP Regional Crime Laboratory Office 11.

Ayon kay PSupt. Manuel, pansamantalang naitalagang OIC si Nobleza dahil naka-leave siya mula April 7 hanggang 19.

Subalit sa kanyang pagtatanong sa kanyang mga tauhan sa RCLO 11, mahigit isang linggo na umano mula nang huli nilang makita si Nobleza bago ito maaresto sa Bohol noong Sabado.

Dagdag pa ni PSupt.Manuel, may nakarating na impormasyon sa kanya na nakapagreport na si Nobleza sa Camp Crame kaya nagulat na lamang siya ng malamang nasa Bohol si Nobleza.

Sa ngayon ay wala pang pinipiling kapalit sa posisyon ni Nobleza.

Ayon kay Crime Laboratory Office 11 OIC Manuel, naghihintay pa sila ng direktiba mula sa national headquarters sa Camp Crame.

(Janice Ingente)

Tags: , ,