Mahigit 200 libong balota naka quarantine dahil sa nakitang depekto

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1735

BALOTA
Mahigit labindalawang milyong balota na ang naimprenta ng Commission on Elections hanggang kaninang umaga.

Sa ngayon lampas nasa dalawampung porsyento ng mahigit limampu’t limang milyong balota na kailangan sa halalan sa Mayo ang naiimprenta nang Comelec.

Tiwala ang komisyon na kayang matapos ang ballot printing hanggang sa April 25 deadline.

Subalit sa pinakahuling tala ng Comelec mahigit sa dalawang daang libong balota ang kailangang i -quarantine dahil sa nakitang depekto.

Bubuo ng mas detalyadong protocol ang Comelec kung ano ang gagawin sa mga depektibong balota.

Sa ngayon nasa 71 libong balota ang kailangang ire-print ng Comelec.

Samantala magdadagdag naman ng mga Vote Counting Machine ang Comelec upang mapabilis ang verification sa mga naimprentang mga balota.

Sa mahigit 12 million printed ballots, mahigit apat na milyon pa lamang ang dumadaan sa verification process.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: