Security forces nakatalaga na para sa pagbisita ni Pangulong Aquino sa Davao City ngayon araw

by Radyo La Verdad | January 8, 2016 (Friday) | 1394

AFP
Nagtalaga na ang AFP-PNP ng kinakailangang mga security forces para sa pagbisita ni President Aquino ngayon araw sa pagpapasinaya ng isang power grid sa lungsod ng Davao partikular sa Brgy. Binugao, Toril Davao del Sur.

Ang pagpapasinaya ng power grid na ito ay pagtugon sa suliranin ng Mindanao sa kakulangan ng supply sa enerhiya

Tungkol naman sa agam-agam hinggil sa seguridad, tiniyak ng Philippine National Police sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines na sapat ang magiging presensya ng mga pulis para sa seguridad ngayon araw sa gagawing pagpapasinaya ng nasabing power grid

Humigit kumulang 500 tauhan ng PNP ang nakatalaga sa lugar kung saan magtutungo ang presidente.

Nakatakdang dumating ngayon umaga ang presidente sa lungsod at agad namang susunod ang gagawing pagpapasinaya ng nasabing power grid.

(Joeie Domingo/UNTV News)

Tags: , , ,