Hanggang sa mga oras na ito ay maluwag pa ang daloy ng mga sasakyan dito sa North Luzon Expressway.
Ayon sa pamunuan ng NLEX, ito ay dahil marami na rin sa mga motorista ang nagsiuwi sa Maynila simula noong sabado upang makaiwas na maipit sa traffic.
Batay sa ulat ng NLEX traffic information, noong sabado bandang ala una ng hapon hanggang alas diyes ng gabi lang naranasan ang pag bigat sa trapiko sa parteng Bocaue Toll Plaza.
Umabot ng hanggang pitong daang metro ang haba ng mga sasakyan sa toll plaza, subalit hindi naman ito nagdulot ng matinding trapiko.
Nakatulong din ang pagbubukas ng NLEX Management sa tatlong spare lanes sa Bocaue at naglagay ng sampung additional portable collection booth, at ambulant tellers.
Wala namang napaulat na major accident mula noong Jan.1 hanggang kagabi.
Tiniyak naman ng toll management na nakabantay na ang kanilang mga tauhan para magbigay ayuda sa mga motoristang magkaka-aberya sa daan.
Paalala rin nila sa mga driver na tiyaking nasa kondisyon ang kanilang mga sasakyan, i-check ang gulong, preno, makina at baterya at magdala ng tubig sakaling mag-overheat.
Siguruhin ding husto ang oras ng tulog at nasa kondisyong magmaneho ang driver at sundin ang eighty to one hundred kilometers per hour na speed limit sa nlex para makaiwas sa aksidente.
In case of emergency, maaaring tumawag sa nlex hotline na 02-3-5000.
Maaari ding mamonitor ang lagay ng traffic sa NLEX sa pamamagitan ng pag-log on sa official website ng tollways management corporation sa www.tollways.net.ph o i-follow ang twitter account ng nlex, www.twitter.com/nlextraffic.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)