Pagsisikip ng trapiko sa NLEX, tinatayang mararanasan ngayon gabi

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 3938

NLEX
Mahigpit nang binabantayan ngayon ng pamunuan ng North Luzon Expressway ang daloy ng trapiko sa NLEX.

Inaasahang ngayong gabi ang bulto ng mga magbibiyahe pauwi sa mga lalawigan dahil simula bukas ay wala ng pasok.

Sa pagtaya ng NLEX Management, aabot sa mahigit dalawandaang libong sasakyan ang dadaan dito.

Mas mataas ito ng dalawampung porsyento sa isang daan at siyamnapung libong motorista na karaniwang dumaraan sa NLEX.

Sa ngayon ay nagkakaroon na ng buildup ng mga sasakyan.

Paalala naman ng NLEX Management, walang maasahan ngayon na free towing at wala rin medical assistant sa mga gasoline station.

Subalit sakaling magka aberya, maaring namang tumawag sa NLEX Hotline na 02-3-5000 para sa towing ng sasakyan

Naka deploy naman ang ambulance ng NLEX sakaling magkaroon ng aksidente.

Mahigpit namang ipinatutupad ang 80-100 kilometers per hour speed limit sa NLEX para makaiwas sa aksidente.

Inaasahang hanggang bukas ng gabi ang pagsisikip ng trapiko sa NLEX.

January 2 o 3 naman ng hapon hanggang January 4 ng umaga, araw ng lunes, inaasahang muling mararamdaman nag mabigat na trapiko dahil sa mga biyaherong pabalik ng Metro Manila.

Samantala, maaari ding mamonitor ang lagay ng traffic sa NLEX sa pamamagitan ng pag-log on sa official website ng tollways management corporation sa www.tollways.net.ph o i-follow ang twitter account ng nlex, www.twitter.com/nlextraffic.

(Nestor Torres/UNTV News)

Tags: , ,