Labing isang migrants ang nalunod at pito ang na-rescue matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa western coast ng Turkey.
Patungo ang mga migrant ng Greece nang maganap ang insidente.
Hindi naman tiyak ang bilang ng sakay ng lumubog na bangka.
Sa ngayon ay pinaigting na ng Turkish Coastguard ang search and rescue operations sa iba pang nawawala.
Ayon sa U.N Refugee Agency at International Organization For Migration ngayong taon umabot na sa mahigit isang milyong refugee ang tumawid ng Europe.
Samantala, mahigit tatlong libo anim na raan sa mga ito ang nasawi o nawawala.
Tags: 11 patay, karagatan, lumubog, migrant boat, Turkey
METRO MANILA – Nasa maayos na kondisyon ang Philippine Contingent na tumutulong sa search and rescue operation sa Turkey sa kabila ng malamig na panahon.
Tuloy-tuloy ang ginagawa nilang operasyon sa probinsiya ng Adiyaman, kung saan sila naka-assign.
Sinabi rin ni Dr. Alfonso Danac, ang team leader ng Philippine Emergency and medical assistance team na nakatutulong din sila sa mga mayroong iniindang sakit sa lugar.
H-indi na nagrequest ng karagdagang tulong ang Turkey para sa rescue efforts kasunod ng malakas na lindol noong isang linggo.
Dahil dito hindi na magpapadala ang Pilipinas ng second batch na tutulong, kahit na marami ang nagpahayag ng intensyon para makibahagi.
METRO MANILA – Umakyat na sa 2,509 na indibidwal ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.
Sa nasabing bilang 1,541 dito ay mula sa Turkey. Ayon kay Turkey Vice President Fuat Oktay mayroong 9,733 katao ang sugatan.
Sa Syria naman ay nasa 968 ang nasawi kung saan 538 ay mula sa government-controlled areas habang 430 naman ay mula sa opposition-controlled areas.
Inaasahan ng mga otoridad na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga lugar kung saan gumuho ang maraming mga gusali.
Samantala sa isang tweet, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanda ang Pilipinas na magpaabot ang anomang tulong sa Turkey at Syria.
Sa ngayon ay patuloy na nakikipagugnayan ang Department of Foreign Affairs sa Filipino communities upang malaman kung may mga Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol sa 2 bansa.
Tags: earthquake, Syria, Turkey
Turkish forces exchanged fire with Tahrir Al-Sham, a Syrian jihadist alliance, near Kafr Lusin on the border between Turkey and Syria’s Idlib province.
This, according to the Syrian observatory for human rights said on Sunday.
Turkish forces fired cannon from a military outpost and military vehicles were seen at the border wall.
Tahrir Al-Sham is spearheaded by the former Nusra Front, which was Al Qaeda’s Syrian branch until last year, when it changed its name and broke formal allegiance to the global movement founded by Osama Bin Laden.