11 barangay sa San Miguel Bulacan, binaha

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 5665

NESTOR_BAHA
Simula pa kahapon ay wala nang tigil ang pag-ulan dito sa Bulacan kaya naman lubog na ngayon sa tubig baha ang ilang lugar dito.

Kabilang na dito ang labing isang barangay sa bayan ng San Miguel.

Ayon kay Felicisima Liz Muncal, ang head ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Umagos ang tubig dulot ng malakas na pagulan mula sa Mt Manalmon sa bayan ng Donia Remedios Trinidad sa Bulacan pababa sa bayan ng San Miguel.

Sa ulat ng Bulacan PDRRMC, ang mga baranggay na lumubog sa baha ay ang sumusunod.

Zone1 to 3 at Zone 6 at 7 Barangay San Jose kung saan umabot sa tatlong talampakan ang baha.

Dalawa hanggang tatlong talampakan naman ang baha sa Barangay Camias sa Sitio San Pedro at highway.

Two to four feet naman sa Barangay Buga, Bagong Silang at Barangay Ilog Bulo.

Two to three feet sa Barangay Salacot at San Vicente.

Dalawang talampakang taas ng baha sa Barangay King Kabayo at Pinambaran.

At pinaka mataas naman ang baha sa Barangay Buliran na umaabot sa five to six feet.

Naka antabay naman ang mga residente na nakatira malapit sa ilog para sa posibleng paglikas kung mag tutuloy tuloy ang pagtaas ng tubig sa ilog.

Nakahanda na rin ang rescue team ng lalawigan ng bulacan para sa mga mangangailan ng tulong.

(Nestor Torres / UNTV Correspondnet)

Tags: , ,