Ilang lugar sa Masantol Pampanga, binaha dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilang palaisdaan

by Radyo La Verdad | June 14, 2018 (Thursday) | 7465

Binaha ang ilang lugar sa Masantol, Pampanga kahapon.

Ayon sa mga residente, umapaw ang tubig sa ilang palaisdaan sa lugar dahil sa ilang araw na pag-ulan na dulot ng habagat.

Ang ilang residente naman ay naglagay na ng sandbag sa harap ng kanilang mga bahay upang hindi mapasok ng tubig.

Pangamba ng mga ito, mas tumaas pa ang baha at tumagal ng ilang araw lalo na kapag umapaw naman ang mga ilog sa lalawigan na nagsisilbi namang catch basin ng mga ulan na mula sa mga probinsya sa Northern Luzon.

 

Tags: , ,