Ilang lugar sa Urdaneta Pangasinan, binaha dahil sa patuloy na pag-ulan

by Radyo La Verdad | July 20, 2018 (Friday) | 9429

Lubog na sa tubig baha ang ilang lugar sa Urdaneta, Pangasinan.

Sa mga larawan na ipinadala ng ating kasangbahay na si Alnor Sedurante, mula pa kahapon ay lubog na sa baha sa kanilang barangay sa Catablan Urdaneta, Pangasinan.

Sa kalsada papuntang Mapandan at Manaog galing Urdaneta, umaabot sa hanggang binti at tuhod ang lalim ng baha.

Sa ibang mga bahay naman ay umaabot sa mula baywang at dibdib ang tubig baha.

Sa ngayon, pansamantalang tumigil ang pag-ulan sa lugar ngunit apektado naman ng baha ang pang araw-araw na gawain ng mga residente doon.

Tags: , ,