Nagdiwang ang mga taga-suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos nitong ipahayag ang posibilidad ng pagtakbo sa pagkapangulo.
Pinangunahan ng PDP laban ng bayan ang selebrasyon na noong una sana ay isa lamang concert rally upang muling himukin ang alkalde na tumakbo sa pagkapresidente.
Dumalo sa pagdiriwang si senator Allan Peter Cayetano na posibleng maging ka-tandem ni Duterte sa 2016 national elections.
Si senator Aquilino Koko Pimentel the third naman ang tumayong kahalili ni Mayor Duterte na hindi nakarating.
Ayon Atty. Noel Felomengco, presidente ng PDP laban ng bayan-7, hindi nakadalo ang alkalde dahil inaasikaso pa nito ang mga dokumento para sa kanyang presidential candidacy.
Noong sabado ng gabi sinabi ng alkalde na dismayado ito sa naging desisyon ng senate electoral tribunal na hindi katigan ang disqualification case laban kay senator Grace Poe.
Ayon kay Duterte, hindi niya matatanggap ang isang American president dahil ang pinakamataas na posisyon sa bansa ay dapat nakalaan lamang para sa isang “True Blue Filipino”.
(Gladys Toabi/UNTV News Correspondent)