100,000 relief goods nire-repack ng DSWD kada araw upang agad maibigay sa mga lugar na masasalanta ng bagyo

by Radyo La Verdad | November 30, 2016 (Wednesday) | 1186

grace_taguiwalo
Anumang panahon tamaan ng bagyo ang bansa, may nakahandang relief pack ang DSWD na maaaring agad na ipamahagi.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, 100 libong family packs kada araw ang kayang i-produce sa kanilang warehouse sa Pasay City.

Kumpara sa dating manual re-packing, ngayon may mga makina nang ginagagamit para mapabilis ang trabaho.

Laman ng isang family pack ang 6 na kilong bigas, 4 na lata ng sardinas, 4 na lata ng carne norte at 6 na sachet ng kape o cereal drink.

Sapat ito para sa dalawang araw na kain ng isang pamilyang may limang miyembro.

Maliban sa Pasay may kaparehas ring warehouse at equipment ang dswd sa Cebu habang kasalukuyang nang ginagawa ang isa sa General Santos City.

Plano pa ng DSWD na magtayo ng isa pang warehouse sa Cagayan-Isabela na maaaring paglagayan naman ng mga relief goods para sa mga lugar sa Region 2.

Samantala isang warehouse rin ang ibinigay ng Australian Government sa DSWD kung saan maaaring magsagawa ng training ang kanilang mga tauhan.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,