Mahigit 100,000 pasahero dumagsa sa istasyon ng tren sa China

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 2321
Guangzhou Railway Station(REUTERS)
Guangzhou Railway Station(REUTERS)

Libo libong pasahero ang stranded sa Guangzhou Railway Station sa China dahil sa naantala ng masamang panahon ang mga tren.

Ayon sa Guangzhou Railway Group Corporation mahigit isang daang libong pasahero ang dumagsa sa train station dahil sa spring festival.

Kaya lamang umano ng istasyon na i-accomodate ang apat na put tatlong libong tao.

Ayon kumpanya ng tren gumagawa na ito ng paraan upang maiwasan ang stampede.

Sa ngayon ay nasa sampung libo na lamang na mga pasahero ang naghihintay sa train station.

Tags: , , ,