Insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Masbate, tumaas ng mahigit 100%

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1876

GERRY_GUN-BAN
Ayon sa Masbate-PNP, tatlumput siyam ang naitalang shooting incidents sa lalawigan noong 2015 kumpara sa labing apat lamang na kaso noong taong 2014.

Isandaan dalawamput anim na loose firearms naman ang nakumpiska ng pulisya sa iba’t ibang isinagawang operasyon sa Masbate.

Isandaan at anim na indibidwal naman ang nasampahan na ng kaso.

Samantala tinatayang aabot sa anim na libong loose firearms pa ang nasa kamay ng iba’t ibang grupo at indibidwal.

Tiniyak naman ng pulisya na lalo pang paiigtingin ang pagsasagawa ng mga chekpoint at chokepoint sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,