Isinailalim na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa state of calamity siyudad dahil sa epekto sa lugar ng umiiral na El Niño phenomenon sa bansa.
Ito ay ayon na rin sa rekomendasyon ng city water district na magkaroon ng mas maagang deklarasyon ng state of calamity upang magamit nito ang calamity fund sa kanilang gagawing mitigating measures.
Ayon sa batas, maaari lamang gamitin ang calamity fund na naka-laan sa isang lugar kapag nagdeklara ang local government unit ng state of calamity.
Nilinaw ng lokal na pamahalaan na partikular na dahilan ng nasabing hakbang ay ang kakulangan ng suplay ng tubig sa siyudad.
Ayon sa water district nitong nagdaang taon ay nasa fourteen thousand cubic meters per hour ang average stream flow o agos ng tubig mula sa kanilang source papunta sa kanilang diverson dam.
Ngunit nitong katapusan ng 2015 ay bumaba ito sa five thousand cubic meters per hour o mahigit limampung porsyento sa susunod na linggo ay inaasahang bababa pa ito sa four thousand cubic meters.
Sapat pa sana aniya itong isuplay sa daily consumption ng lungsod na nasa fifty-five hanggang fifty seven cubic meters per hour ngunit sa malaki ang kanilang naitatalang system loss kung saan marami sa suplay ng tubig ang nanawala at hindi alam kung saan napunta.
Sa mga susunod na buwan inaasahan na patuloy bang bababa ang suplay ng tubig sa lungsod epekto ng matinding init.
Kaya naman, maging ang City Agriculturist Office ay sumang-ayon din sa maagang pagdeklara ng state of calamity sa lugar.
Isa sa kanilang nakikitang solusyon ay ang pagsasagawa ng cloudseeding operations.
Sa ngayon nasa anim na raang ektarya na umano ng lupang sakahan sa syudad ang apektado ng tag-init.
Ngayong araw ay inaasahang tatalakayin sa sangguniang panlungsod ang deklarasyon at sa mga susunod na araw ay magsagawa naman information campaign para sa kaalaman ng publiko.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: El Nino, epekto, state of calamity, Zamboanga city