Zamboanga City, isinailalim na state of calamity

by Radyo La Verdad | October 20, 2017 (Friday) | 4320

 

Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa lawak ng tinamong pinsala ng syudad dulot ng pagbaha at landslide dahil sa walang tigil na ulan.

Ayon kay City Vice Mayor Cesar Iturralde, kailangan ito upang magamit ang calamity fund ng lungsod para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa ngayon, umaabot na sa halos 46 million pesos ang pinsala sa agrikultura bukod pa sa palaisdaan at irrigation.

Habang nasa 16-20 million pesos din ang initial damage cost sa mga imprastraktura.

Nanatili namang suspindido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa syudad.

 

Tags: , ,