Pagpapalawig ng State of Calamity dahil sa COVID-19 sa bansa, hiniling ng DOH kay PBBM

by Radyo La Verdad | December 28, 2022 (Wednesday) | 8506

METRO MANILA – Nagsumite na ng memorandum of request ang Department of Health (DOH) sa Office of the President hinggil sa pagpapalawig ng umiiral na State of Calamity sa bansa dahil sa COVID-19.

Matatandaang epektibo lamang ang State of Calamity hanggang December 31, 2022, matapos palawigin ni Pangulong Bongbong Marcos ang deklarasyon nito mula sa naunang deklarasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, hiniling nila ang extension sa konsiderasyong hindi pa naisasabatas ang Center for Disease Prevention and Control (CDC) bill.

Dagdag pa ng DOH official na ang COVID-19 response ng ahensya ay nakaangkla sa State of Calamity, tulad ng vaccination program, emergency use authorization ng mga bakuna at gamot, indemnification and immunity from liability, at emergency hiring at emergency allowance ng mga health care worker.

Tags: , , ,