Year-end bonus at cash gift, matatanggap na ng mga government employee simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 15, 2018 (Thursday) | 2256

Maganda sa pagdinig ng mga negosyante ang planong ibaba ang corporate tax rate sa 20% mula sa 30% sa ilalim ng isinusulong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law package 2 ng administrasyon.

Ngunit para sa ilang kumpanya, ang matitipid nila sa tax rate reduction ay halos mapupunta lamang sa itinaas nilang gastos ngayong taon.

Kaya tila halos wala namang magiging paggalaw sa kanilang kinikita kung maipapasa ang TRAIN 2.

Batay sa pagtataya ng copper and power trend company, sa average na 3 milyong piso na kanilang net income, nagbubuwis sila ng 900,000 piso kada taon.

Sa ilalim naman ng isinusulong na TRAIN 2, madadagdagan ang kanilang kita ng 300,000 piso kada taon. Ngunit kung titingnan, mabuti tumaas rin naman ang kanilang gastos ngayong taon na umabot ng 300,000 piso kada buwan.

Sa ngayon, ayon kay Senate Committee on Ways and Means Sonny Angara, magsasagawa sila ng mga out of town hearings upang pakinggan ang mga hinaing ng mga negosyante sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Tiniyak ng Senado na bubusiin nilang mabuti ang panukala na ito na reporma sa pagbubuwis na pinaniniwalaan nilang may banta sa mga negosyante at trabaho ng mga Pilipino.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,