Bonus ng mga government employee, matatanggap na sa Dec. 15

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 2908


Matatanggap na ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang limang libong performance bonus sa darating na a-kinse ng Disyembre.

Kabilang sa mga makakatanggap ng naturang Productivity Enhancement Incentive o PEI ay ang mga nasa serbisyo hanggang November 30, 2017 at mayroong hindi bababa sa apat na buwang satisfactory service.

Ang PEI ay ayon sa bisa ng Executive Order 201 noong 2016 na layong hikayating mas maging produktibo ang mga empleyado ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Budget and Management ang Productivity Enhancement Incentive o PEI na ito ay pinaglaanan ng 7.5 billion pesos para sa 1.5 million na government workers.

Tags: , ,