Whistleblowers, nababahala sa kanilang kaligtasan

by Radyo La Verdad | October 19, 2015 (Monday) | 5888

JOYCE_BENHUR-MERLINA
Ngayong resigned na si Sec. Leila De Lima, at si USec. Jose Justiniano ng Department of Justice, natatakot ang ilang PDAF Scam Whistleblowers sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay DOJ USec.Jose Justiniano, personal na tumawag sa kanya si Whistleblower Benhur Luy at Merlina Sunas dahil pati ang director ng Witness Protection Program na si Atty. Martin Menez ay nagbitiw na rin sa kanyang pwesto.

Si Atty. Menez kasi ay co-terminus at appointee ni Sec. Leila De Lima kaya’t kailangan din nito magbitiw kasabay ng kalihim.

Nangangamba ang whistleblowers gayong matagal pa ang magiging pagdinig at paglilitis ng mga kaso ng PDAF Scam sa Korte.

Ginarantiya naman ni usec justiniano na bagaman may mga pagbabago sa mga taong uupo sa DOJ, mananatili pa rin ang proteksyon ng PDAF Scam witnesses sa ilalim ng WPP.

Noong nakaraang linggo namaaalam bilang kahilim ng DOJ si Sec. De Lima upang magbigay daan sa kanyang pagtakbo bilang senador sa susunod na halalan. Habang si USec.Justiniano naman hanggang Oct.3 nalang mananatili bilang USec ng DOJ.

Sa ilalim ni Sec. De Lima at USec. Justiniano nasimulan ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa mga mambabatas na sangkot sa PDAF Scam.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,