Water crisis sa Puerto Galera, tatagal pa ng tatlong buwan – LGU

by Radyo La Verdad | July 18, 2018 (Wednesday) | 2347

Dumadaing na ang mga residente sa bayan ng Puerto Gallera sa Oriental Mindoro dahil sa nararanasang water crisis sa lugar. Hiling ng mga residente, madaliin na ng lokal na pamahalaan ang paggawa ng paraan upang maresolba ito.

Nasa dalawampung libong mga residente ang apektado ng problema sa kawalan ng suplay ng tubig sa lugar. Maging ang mga nasa tourism industry, nababahalang maapektuhan ang tourist arrivals sa lugar dahil sa kawalan ng tubig.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Puerto Gallera, nakakita na sila ng panibagong water source. Ito ay sa bundok na bahagi ng Barangay  Ponderosa at Baclayan.

Gagawa ng dalawang storage tanks sa lugar na pinaglaanan ng siyam na milyong pisong pondo mula sa calamity fund ng bayan, ngunit tatagal pa anila ito ng tatlong buwan bago matapos.

Humihingi naman ng dagdag na pangunawa ang mga opisyal ng Puerto Galera sa kanilang mga kababayan.

Matatandaang bumagsak sa critical level ang dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa probinsya na syang pinagmulan ng water crisis at sanhi ng pagdedeklara ng state of calamity sa Bayan.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,