METRO MANILA – Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa magnitude 6.8 lindol, na tumama sa Morocco nitong Biyernes September 8.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Migrant Workers Officer in Charge Hans Leo Cacdac, na wala pa silang natatanggap na report ng mga Pilipinong nasaktan sa nangyaring lindol doon.
Gayunman patuloy anila silang naka-monitor sa sitwasyon.
Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa Morocco ang mga Pilipino na manatiling kalmado, pero maging alerto sa mga posibleng epekto ng nangyaring lindol sa naturang bansa.
Umabot na sa mahigit 2,000 ang nasawi sa bansa dahil sa malakas ng pagyanig.
Tags: DMW, earthquake, Morocco