Walang layon ang pangulo na i-bypass ang SC at Kongreso sa idineklarang Martial Law – Malacañang

by Radyo La Verdad | May 30, 2017 (Tuesday) | 6985


Nilinaw ng Malakanyang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na pagdepende sa assessment ng tauhan ng militar at pulisya sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon sa Malakanyang, walang layon ang pangulo na balewalain ang Kongreso at Korte Suprema sa isyu ng pagdedeklara ng Martial Law; Nais lang aniyang igiit ng pangulo na mas alam ng militar at pulisya ang sitwasyon sa lugar kaya sila ang nakakaalam kung dapat na bang tapusin o palawigin pa ang batas militar.

Dagdag pa ng opisyal, mas maigi rin na mag-usap ang mga militar, pulisya at ang dalawang sangay ng pamahalaan para sa mga rekomendasyon.

Samantala, mahigit tatlong daang residenteng naipit sa bakbakan ang nailigtasna ng mga otoridad.

Wala pang detalyadong ulat ang Armed Forces of the Philippines sa natitirang bilang ng mga sibilyang naiipit sa bakbakan subalit kinumpirma nitong cleared na mula sa mga terorista ang malaking bahagi ng Marawi City.

(Rosalie Coz)

Tags: , , ,