Walang dapat ikabahala sa obserbasyon ng Estados Unidos sa seguridad sa NAIA – MIAA

by Jeck Deocampo | December 28, 2018 (Friday) | 17739
File photo: Photoville International

PARAÑAQUE, PhilippinesWalang dapat ikabahala ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng pahayag ng United States Department of Homeland Security na bagsak ito sa international security standards.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, pinagtutuunan na nila ng pansin ang mga rekomendasyon para mas maayos na operasyon at seguridad ng mga pasahero

Sa obserbasyon ng U.S. Department of Homeland Security, hindi umano napapanatili ng NAIA ang consistency nito pagdating sa pagpapatupad na mahigpit na seguridad sa mga paliparan.

Ayon kay Ambassador to the Philippines Sung Kim, kumpiyansa naman ito sa Department of Transportation (DOT) at iba pang kaugnay na ahensya na matutugunan nito sa pangangailangan na mas mapabuti pa ang aviation security ng paliparan.

$5 milyong pondo ang naaprubahan ng U.S. State Department bilang ayuda sa airport security improvement ng NAIA, kasama na rin dito ang critical training at technical improvement. Kasama sa inirekomenda ng U.S. Transportation Security Administration (TSA) na dapat maisaayos ay ang mga checkpoint, door lock, at alarm system.

Ayon naman kay MIAA General Manager Ed Monreal, wala namang dapat ikabahala ang mga pasahero sa obserbasyon ng US TSA. Lahat naman ng rekomendasyon aniya ay kayang-kayang tugunan.  Sa katunayan aniya, ang ilan dito ay una na nilang pinagtutuunan ng pansin.

“More importantly we see this as an opportunity to further pursue our campaign for culture change among our stakeholders and other airport users in NAIA… Standards are there so the global aviation community will have a common reference point, and it is highly important that our aviation security protocols in NAIA meet, if not exceed them.”

Sa susunod na taon, inaasahang makakabili na muli ng mga bagong equipment para sa NAIA upang palitan ang mga depektibo. Magdaragdag din ng mga employedo lalo na ng mga security screening officer.

(JL Asayo | UNTV News)



Tags: , , ,