Passenger arrivals, umaabot na ng halos 60K – BI

by Radyo La Verdad | December 26, 2023 (Tuesday) | 5513

METRO MANILA – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasaherong dumarating sa bansa ngayong Disyembre.

Sa datos ng Bureau of Immigration (BI) mula sa 50,000 arrivals sa unang Linggo ng buwan ay umaabot na ito sa halos 60,000 noong weekend.

85% ng arrivals ay dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nasa mahigit 31,000 din ang departures noong December 23.

Hinimok naman ng Bureau of Immigration ang mga Pilipino na gamitin ang e-gates para sa mas mabilis ang clearance at mag-pregister sa e-travel portal 3 araw bago ang nakatakdang pag-alis o pagdating sa bansa.

Tags: ,