VP Robredo tinanggap ang hamon ni Pangulong Duterte na maging Co-chair ng ICAD

by Erika Endraca | November 7, 2019 (Thursday) | 7876

METRO MANILA – Tinanggap ng buong loob  ni Vice President Leni Robredo ang posisyong inaalok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte Bilang Co-Chair ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Batid ng Pangalawang Pangulo na pamumulitika lamang ang alok na ito ng Punong Ehekutibo. Dahil tiyak umano niyang hindi naman sya susundin ng ahensyang kanyang pamumunuan. Pero gayunman handa nya umano gawin ang kanyang trabaho. Giit pa ni VP Robredo hindi magbabago ang kanyang tindig sa wag on drugs ng pamahalaan.

Kaya sa kanyang pagupo gagawin niya ang lahat para wala nang inosenteng mamatay pa sa kampanya laban sa iligal na droga. Pananagutin din umano niya ang mga abusadong opisyal tulad ng mga ninja cops. Hahabulin rin umano niya ang mga drug lords at opisyal na nagpalusot ng tone-toneladang ilegal na droga.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,