ICC, ibinasura ang apela ng PH gov’t na itigil ang drug war probe sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 19, 2023 (Wednesday) | 7562

METRO MANILA – Hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) appeals chamber ang hiling ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs at ang isyu ng Davao death squad ng nakaraang Duterte administration.

Tatlong huwes ng ICC appeal chamber ang bumuto pabor at 2 naman ang dissenting o tutol.

Ayon pa sa ICC appeals chamber, hindi isyu ng hurisdiksyon ang naging basehan sa desisyon kundi walang mali sa naging desiyon ng kanilang pre-trial chamber na payagan ang prosecutor na ituloy ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga dahilan o ground bakit gusto sana na pamahalaan na huwag ituloy ang pag-iimbestiga ng ICC ay dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas matapos tayong kumalas noong 2019.

Ayon naman sa grupong human rights watch, ang desisyon ng ICC judges ay susunod na hakbang para mga biktima ng war on drugs.

Dapat din aniyang patunayan ng Marcos administration ang commitment sa pagtataguyod ng human rights at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Tags: ,