Nakipagpulong na sa mga opisyal ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC si Vice President Leni Robredo.
Dito ay inalam ng bagong housing chief ang mga trabahong naiwan ni dating Vice President Jejomar Binay.
Kabilang sa isusulong nito ang collaboration sa mga private sector na inaasahang makatutulong sa problema ng pabahay sa bansa.
Una nang sinabi ng pangalawang pangulo na gagawin ang lahat upang mapababa ang 1.4 million housing backlog ng pamahalaan.
Kahapon ay opisyal nang nanumpa si Robredo kay President Rodrigo Duterte bilang chairperson ng HUDCC.
(UNTV RADIO)
Tags: HUDCC